[Lyric Video] Unang Araw – Shonichi (AKB48 – Filipino Version) (MNL48)

[Lyric Video] Unang Araw – Shonichi (AKB48 – Filipino Version) (MNL48)

Sa entabladong pangarap
Ako ay nakatayo
Minamasdan, ang dagat ng hiyaw ng mga tao na nanu-nuod
Sa una kong pagtatanghal
Ay gagawin ang lahat
Salamat sa inyong ibinigay na bagong pagkakataon.

Inaalala ang, araw na nagdaan
Pagkakataon na hindi na nakayanan
Minsay naglalakad, pauwi ng luhaan
Napapaisip na kung hihinto na lamang
Kahit na may pagdududa
Sa puso ko ito’y mahalaga

Pangarap nati’y makakamtan
Tulad ng bulalak, tutubo ng dahan-dahan
Ang paghihirap mo’y
Unti-unting masusuklian
Pangarap nati’y makakamtan
Ako’y maghihintay na tumubo ng tuluyan
Kahit pa masaktan
Balang araw makakamtan

Lahat sayo’y nakatingin
Ang ‘yong bawat pag galaw’y minamasdan
Liwanag ng ilaw, ay parang araw na dumudungaw
At kahit na hindi sanay
Ay gagawin ang lahat sa pagtatanghal
At ipapakitang kaya namin at di kami talunan

May mga araw na, ako’y nadarapa
May mga araw na mata’y puno ng luha
May mga araw ring nahihirapan na
Ipagsabay ang pagsayaw at pag-aaral
Ngunit, Kahit sa’n magpunta
Suporta nyo’y aking nadarama

Mangarap kahit na umiyak
Ngunit sa pagtahan ay muling magsisikap
Sa iyong pag ngiti,
Ang mga binhi ay uusli
Mangarap kahit na umiyak
Kahit pa umulan ang sarili’y paniwalaan
Kaya’t wag hihinto
Sa pag abot ng pangarap.

Magsayaw tayo
Hanggang matumba
Umawit tayo
Kahit mapaos na
Wag kalimutan ang dahilan
Gawin ang lahat ng makakaya!
Oh!

Pangarap… nati’y makakamtan
Tulad ng bulalak, tutubo ng dahan-dahan
Ang paghihirap mo’y
Unti-unting masusuklian
Pangarap nati’y makakamtan
Ako’y maghihintay na tumubo ng tuluyan
Kahit pa masaktan
Balang araw makakamtan

アイドルカテゴリの最新記事